Mga alintuntunin tungkol sa Hand,Foot and Mouth Disease or HFMD

📣Alert!! Pag tag ulan hindi lang Dengue ang nakukuha mga parents.👨‍👩‍👧‍👧👨‍👩‍👧‍👦

Last week nag karoon nito ang aking bunsong anak.First day pa lang inoobserbahan ko kung alergy lng ba o kung ano ito until may mga blister na sa mga kamay nakita ko rin sa palad ng paa at meron din sa bibig.2nd day nag alert na ko ipunta siya sa Doctor para matignan.Ayun tama na ang hinala ko.kahit bumabagyo pumunta pa rin kami sa Doctor para makita siya.

👉Uso rin ang HFMD OR Hand,foot and Disease.


>Ito ay sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga batang edad na 3-5 taong gulang.
>Ngunit pwede pa din makaapekto kahit sa mga mataranda.
>Mas madalas ito makuha tuwing panahon ng tag ulan.
>Ito ay dulot ng mga VIRUS na Enterovirus at Coxsackievirus na hindi namamatay sa pag in ng anibiotics.
>Maaaring maging sanhi ng Dehydratior dahil sa pag susuka at pagkawalang gana kumain.

📍Mga Sintomas ng HFMD;

>Lagnat
>Sakit ng lalamunan
>Pagsusuka
>Rashes sa Paligid ng bibig,sa palad at talampakan
>Madaming Singaw

📍Paano Maaring makuha ang HFMD;
>Pakikipaglaro sa taong may sakit nito.
>Paglanghap ng virus sa hangin mula sa bahing at sa pag ubo.
>Pag hawak sa gamit gaya ng mga laruan ng mga may sakit nito.

✋Paano ito maiiwasan;
>Magtakip ng bibig sa pag uubo,babahing o sisinga.
>Panatilihing malinis ang Kapaligiran,mag disinfect ng kagamitan.
>Madalas maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

=Pag mayroong Sintomas o katanungan,huwag mahiyang pumunta sa pinakamalapit na Clinic.

>Palakasin Ang resistensya Kailangan matibay na Immune system.
>Take Vitamin C everyday

#HFMDAWARENESS
#HFMDALERT
#MOMSHARING

Comments